Hating gabi na hindi pa ako nakapagbuo ng aking blog tungkol sa What Air Supply Song Are You? Blog Contest. Medyo antok na ang aking mga mata at malamig narin ang kape, sapagkat nalipasan na ako ng panahon at kailangan kong matulog muna.
Nang pagkaraan ng higit apat na oras, nagising ako. Alas-5:30 nang maisipan kong buksan ang aking PC at mag-isip kung ano na naman ang sasabihin ko sa aking entry.
Tipong maganda naman ang aking mood sa pag-isip ng isasagot ko sa pa-contest ng GenSan News Online Mag -- habang nakikinig sa All Out Of Love album ng Air Supply upang bumalik ang aking ala-ala, ang moments of truth ng mga nakaraang dekada 80.
Here I am playing with those memories again
And just when I thought time had set me free
Those thoughts of you keep taunting me
Sa ilang oras nakaharap ko ang aking PC, mayroon makulay dilaw na impresyon ang nabuo ko para gunitain ang nakaraan noong August 21, 1983. Higit 26 taon na ang kasaysayan (ni Ninoy) ng maging simbulo ng rebolusyon laban sa batas military… sa pahanong hindi puwedeng sabihin nang deretso ang nasa isip kaya dinadaan na lamang sa pagkanta.
Holding you, a feeling I never outgrew
Though each and every part of me has tried
Only you can fill that space inside
Kung tama ang alala ko, hindi lang si Cory ang popular noon. Ganoon din ang kanta ng Air Supply tanyag sa mga bagits, rockers, bading, sosyal, yagit at mga tipong aktibista ng yellow ribbon. At sa loob mismo ng campus madalas naririnig ko ang kantang Here I Am …awitin ng mga estudyante mahilig sa banda at bitbit palagi ang gitara kaysa sa libro. Hindi naman ganun ka-striking ang kanta. Subalit ito’y isang classic melody at mayroon himig ng pusong feeling in-love. Aaminin kong naging admirer din ako ng Air Supply. Nasimot din ang natirang piso ko sa joke-box, at malimit din magbukas ako ng radyo.
So there's no sense pretending
My heart it's not mending
Kaya marahil labis-labis ang naging paghanga ko sa Air Supply. Pagkat tulad ng iba, ako’y nagdaan din sa dilaw na panahon. Hindi kataka-taka na matagpuan ang mga katulad ko sa kilusan ng timeless classic. Maraming salamat kay Manoy Avel sa paghamon na sumali ako sa blog contest.
Bukal sa loob ko ang mapahanga sa malapad na papel ni Michael Wee at ang kanyang Dreamworks Ventures, Inc. -- as concert producer ng Air Supply Concert in GenSan. Hulog talaga ng suwerte si Mike sa mga Generals… cheer!!!
Bilang sumpungin na blogger sa pa-contest, nagpapasalamat din ako sa mga sponsors in cooperation with the City Government of GenSan, the GenSan City Chamber of Commerce and Industry Inc., ABS-CBN. Other partners are Grab A Crab Restaurant, MISO Hardware, San Miguel Corporation, Coca Cola Bottlers Inc., East Asia Royale Hotel, Coffee Dream, NY Fries and Dips, Giacominos, Gaisano Mall of GenSan and Gregoria Printing Press.
Padayon... MAGANDANG GENSAN!!!
All Out of Love ( Here I Am )
Nang pagkaraan ng higit apat na oras, nagising ako. Alas-5:30 nang maisipan kong buksan ang aking PC at mag-isip kung ano na naman ang sasabihin ko sa aking entry.
Tipong maganda naman ang aking mood sa pag-isip ng isasagot ko sa pa-contest ng GenSan News Online Mag -- habang nakikinig sa All Out Of Love album ng Air Supply upang bumalik ang aking ala-ala, ang moments of truth ng mga nakaraang dekada 80.
Sa ilang oras nakaharap ko ang aking PC, mayroon makulay dilaw na impresyon ang nabuo ko para gunitain ang nakaraan noong August 21, 1983. Higit 26 taon na ang kasaysayan (ni Ninoy) ng maging simbulo ng rebolusyon laban sa batas military… sa pahanong hindi puwedeng sabihin nang deretso ang nasa isip kaya dinadaan na lamang sa pagkanta.
Kung tama ang alala ko, hindi lang si Cory ang popular noon. Ganoon din ang kanta ng Air Supply tanyag sa mga bagits, rockers, bading, sosyal, yagit at mga tipong aktibista ng yellow ribbon. At sa loob mismo ng campus madalas naririnig ko ang kantang Here I Am …awitin ng mga estudyante mahilig sa banda at bitbit palagi ang gitara kaysa sa libro. Hindi naman ganun ka-striking ang kanta. Subalit ito’y isang classic melody at mayroon himig ng pusong feeling in-love. Aaminin kong naging admirer din ako ng Air Supply. Nasimot din ang natirang piso ko sa joke-box, at malimit din magbukas ako ng radyo.
Kaya marahil labis-labis ang naging paghanga ko sa Air Supply. Pagkat tulad ng iba, ako’y nagdaan din sa dilaw na panahon. Hindi kataka-taka na matagpuan ang mga katulad ko sa kilusan ng timeless classic. Maraming salamat kay Manoy Avel sa paghamon na sumali ako sa blog contest.
Bukal sa loob ko ang mapahanga sa malapad na papel ni Michael Wee at ang kanyang Dreamworks Ventures, Inc. -- as concert producer ng Air Supply Concert in GenSan. Hulog talaga ng suwerte si Mike sa mga Generals… cheer!!!
Bilang sumpungin na blogger sa pa-contest, nagpapasalamat din ako sa mga sponsors in cooperation with the City Government of GenSan, the GenSan City Chamber of Commerce and Industry Inc., ABS-CBN. Other partners are Grab A Crab Restaurant, MISO Hardware, San Miguel Corporation, Coca Cola Bottlers Inc., East Asia Royale Hotel, Coffee Dream, NY Fries and Dips, Giacominos, Gaisano Mall of GenSan and Gregoria Printing Press.
Padayon... MAGANDANG GENSAN!!!
Responses 0 comments:
Have thoughts to share? Write your response…
Post a Comment